Mahigpit na ipinanawagan ni US President Barack Obama sa US Congress ang pagpasa sa gun safety laws.
Ito ay matapos makiramay si Obama sa mga biktima ng masaker sa Umpqua Community College sa Oregon kung saan 10 ang patay at 20 ang sugatan.
Binigyang diin ni Obama na may sakit sa utak ang gumawa ng nasabing aniya’y karumal-dumal na krimen.
Sinabi ni Obama na naging routine na ang mga pamamaril na ilang buwan lang ang pagitan at tanging sa Amerika lamang aniya ito nangyayari.
Ayon kay Obama, lahat ng mga opisyal ng Amerika ay responsable sa nagaganap na mass shooting dahil sa kabiguang maipasa ang gun safety laws.
By Judith Larino