Nangangamba ang ilang grupo sa pag-amiyenda sa umiiral na anti-terrorism law partikular na sa Human Security Act.
Babala ng grupong Gabriela, tiyak na sisikilin nito ang karapatan ng mga mamamayan kung hindi ito maaagapan.
Ayon kay dating Congressman Neri Colmenares ng National Union of People’s Lawyers, tatamaan maging ang Pangulo sa kung pagbabawalan ang pagkontra sa mga maling hakbangin ng pamahalaan.
Nangangamba rin ang hanay ng mga mamamahayag na posibleng maging ugat ng pang-aabuso kung tatanggalin ang mga safeguards na nakapaloob sa naturang batas.
Ayon kay National Union of Journalist of the Philippines, tiyak na malalagay sa alanganin ang mga magbabalita hinggil sa epekto ng terorismo dahil posibleng mabansagan ang mga ito na terorista.