Tiniyak ng Kamara na maipapasa ang panukalang batas na layong i-regulate at gawing legal ang motorcycle ride-hailing services sa bansa bago ang halalan.
Ayon kay House transportation committee chairman Edgar Mary Sarmiento, may sapat pang panahon ang Kongreso para matalakay ang motor taxi bill bago mag-adjourn ang sesyon sa susunod na buwan para sa eleksiyon.
Dagdag ng kongresista, nakalusot na sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ang consolidated version ng labingwalong panukalang batas na layong amyendahan ang Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code kung saan itinutulak din na gawing public transport option ang motorcycle taxi services o habal-habal.