Sinertipikahan na bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P5 trilyon 2022 national budget na kasalukuyang sumasailalim sa deliberasyon ng kongreso.
Ang panukalang pondo ay nakapaloob sa house bill 10153 o an Act Appropriating funds for the operation of the government of the Philippines from Enero 1 to Disyembre 31, 2022.
Sa ipinarating na mensahe sa gitna ng plenary session sa kamara, inihayag ng Pangulo na mahalagang maipasa ang nasabing panukalang batas upang magampanan ng gobyerno ang mandato nito.
Dahil sa certification, mas mabilis na matatalakay ng kongreso ang bill nang hindi na kailangang umabot ng tatlong araw kaya’t kailangang tapusin ito bago mag-adjourn, bukas.—sa panulat ni Drew Nacino