Kinundina ng Palasyo ang pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, naalarma ang Palasyo sa naturang pagpatay sa opisyal dahil baka ito na ang pagsisimula ng karahasan dahil sa pulitika sa gitna ng nalalapit na eleksyon 2022.
Giit ni Roque, walang puwang ang political violence sa Pilipinas dahil nasa ilalim ng demokrasya ang bansa.
Dahil isang Mayor ang pinatay, baka ito’y simula na naman ‘no ng patayan dahil sa pulitika sa panahon na papalapit na ang eleksyon.
At saka itong political violence has no place in a democracy. Kinukondena po natin iyan!”, ani Roque.