Mariing kinondena ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang ginawang pagpaslang ng mga rebeldeng komunista sa dalawang sibilyan sa unang araw na idineklara ng pamahalaan ang unilateral ceasefire dahil banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. na nagsagawa ng dalawang magkahiwalay na pag-atake ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Visayas at Mindanao na nagresulta sa pagkasawi ng ilang indibidwal.
Kinilala ang mga nasawi sa ginawang pag-atake ng NPA sa Brgy. Magroyong, Surigao Del Sur na sina Tribal Chief Datu Bernardino Austidillo, 73-taong gulang at dating rebelde na si Zaldy Ibañez, 52-anyos.
Napag-alaman na walang awang pinatay ng mga rebelde ang dalawa sa harap mismo ng kanilang mga pamilya.
Ipinapakita lamang aniya nito ang kawalan ng puso at kaluluwa ng mga rebeldeng grupo na nakuha pang umatake at pumaslang sa kabilang ng nararanasang health crisis ng bansa.