Iimbestigahan ng CHR ang pagpaslang sa isang abogado sa Cebu City.
Sinabi ni Atty. Jacqueline De Guia, Spokesperson ng CHR na magde-deploy sila ng quick reaction team para tutukan ang pagpaslang kay Atty. Rex Fernandez.
Binigyang diin ni de Guia na walang karapatan ang sinuman para pumatay o sagkaan ang karapatan ng taong mabuhay.