Inihayag ni senate deputy minority leader Risa Hontiveros na nai-turn over na niya kay PNP chief police general Rodolfo Azurin Jr. at NBI ang raw materials ng mga pagbabanta sa pamilya ng pinaslang na broadcaster na si Percy Lapid.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni senator Hontiveros na kabilang dito ang audio recorded ng tawag at screen capture ng mga mensahe na may kasamang hindi totoong pangalan.
Ito aniya’y para ma-trace ng nasabing mga ahensya kung sino ang nagpapadala ng mga mensahe at upang matigil na ang pangha-harass sa pamilya mabasa.
Ani Hontiveros tinanggap naman ni Azurin ang mga naturang material.
Samantala, sinabi ni Hontiveros na base sa second autopsy report ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun na intensyonal rin ang pagpaslang sa inmate ng New Bilibid Prison na si Jun Villamor, na “middleman” sa pagpatay kay Lapid.
previous post