Kinundena ni Senate Committee on Justice Chairman Richard Gordon ang pagpaslang kay Assistant Special Prosecutor ng Office of the Ombudsman na si Madonna Joy Tanyag.
Ayon kay Gordon, oras na lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enrolled bill hinggil sa ombudsman retirement law, may benepisyong matatanggap ang pamilya ng biktima.
Bagaman hindi anya maibabalik ang buhay ni Tanyag, makatutulong ang naturang panukalang batas para maibsan ang epekto sa pamumuhay ng biktima sa biglaang pagkamatay nito.
Hinimok naman ng Senador si Pangulong Duterte na lagdaan na ang enrolled bill hinggil sa retirement ng office of the Ombudsman.
Iginiit ng mambabatas na bagaman hustisya ang kailangan para lumuwag ang pakiramdam ng pamilya ni Tanyag, ang pagsasabatas ng naturang panukala ay makatutulong sa pangangailangan ng naiwang pamilya.