Kinontra ni Senador Sherwin Gatchalian ang babala ng ni Senadora Leila De Lima na posibleng manganib ang pambansang seguridad sa pagpasok ng third player telecommunications company mula sa China.
Ayon kay Gatchalian, hindi monopolyo ang papasok na kumpanyang China Telecom Corporation Limited kaya imposibleng magkaroon ng security threat sa bansa.
Paliwanag ni Gatchalian, magkakaroon ng ka-sosyo ang nasabing Chinese telcom company mula sa lokal na kumpanya.
Tingin ko walang security issue dito dahil laban – laban sila, mabuti kung isa lang ‘yun may security issue pero dahil nga maraming nag–o–operate dito, may dalawa nang nag–o–operate at may isa pang mag–o–operate, hindi magiging security issue ‘yan dahil pwede s’yang palipat – lipat.
Iginiit pa ni Gatchalian na makabubuti ang pagpasok ng bagong kumpanya para mapababa at mas gumanda pa ang ibinibigay na serbisyo ng dalawang nangungunang telecom companies sa bansa sa kasalukuyan.
Talagang pinag – aralan din namin itong industriya ng cellphone or ng TeleComm.
At, Nakita natin na kailangan talaga ng mas marami pa, hindi lang third player, kung merong 4th or 5th… para po bumaba at gumanda po ang serbisyo ng ating cellphone at internet.