Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na tagumpay ng pamahalaan ang pagpasok ng Mislatel Consortium bilang ikatlong telecommunications player sa bansa.
Ito ay sa gitna aniya ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan para matiyak ang mabilis, maaasahan, ligtas at murang serbisyo ng telekomunikasyon sa publiko.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte kasabay ng opisyal na paggawad ng certificate to operate ng Mislatel Consortium, kanyang hinimok ang publiko na samantalahin ang mga pagkakataong maibibigay ng mas magandang telco industry.
Kanya ring hinikayat ang Mislatel na wakasan ang umiiral na duopoly sa telco industry at tuparin ang pangakong mabibigyan ng mas magandang serbisyo ang mga Pilipino.
Magugunitang, ipinangako ng Mislatel na aabot sa 55 mbps o megabits per second ang kanilang iaalok na bilis ng internet sa mahigit 80 porsyento ng populasyon sa bansa.
“Today I’m glad to announce the entry of the new telco player that will take on the challenge on competing against the existing telco players in the industry. This new player is the Mindanao Islamic Telephone Company or Mislatel Consortium. Companying with this bond is a commitment, that I will hold you to that commitment that you improve the country’s prevailing internet speed from 4.5 mbps to 55 mbps.” — Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.