Tiniyak ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroon silang ipapasok na amendments sa Salary Standardization Law-4.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Trillanes na ito ay upang hindi maapektuhan ang benepisyo ng mga scientist, engineers, researchers at maging ng mga Science and Technology personnel na binibigay sa ilalim ng magna carta.
Ipinabatid ni Trillanes na nakausap na nila ang ilang opisyal mula sa Department of Science and Technology o DOST, Department of Budget and Management (DBM), at iba pang concerned agencies ukol sa bagay na ito.
Una rito, ibinabala ni Senador Ralph Recto na 99 percent ng mga empleyado ng DOST ang direktang maaapektuhan kapag tinanggal ang magna carta benefits sa ilalim ng SSL-4.
“Sana lang po pumayag din naman dun sa next na ano namin yung impasse, kasi okay yan pero itong isa ay hindi pa kami nakakahanap ng common grounds so yung pagtataas ng pensyon ng mga retirees sa AFP, PNP at other uniformed personnel ito ang ilalaban namin sa senado at hopefully pumayag yung Malacañang at House of Representatives.” Pahayag ni Trillanes.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita