Kinalma ng pambansang pulisya ang publiko partikular na ang mga Boholanon makaraang kumpirmahing nakapasok na ang mga bandidong Abu Sayaf sa lalawigan ng Bohol.
Ayon kay PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa, hindi dapat iyon ika-alarma ng publiko dahil kontrolado naman ng mga awtoridad ang masasamang hakbangin ng mga iyon.
Kumpiyansa si Dela Rosa na madali nilang mapupulbos ang mga bandido sa nasabing lugar dahil walang hawak na bihag ang mga sinasabing bandido.
By: Jaymark Dagala