Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga korte sakaling maki-alam ang mga ito sa pagpasok ng ikatlong telecommunications player na mula naman sa China.
Iyan ang inihayag ng Pangulo na binasa sa publiko ni Presidential Spokesman Harry Roque hinggil sa mga posibleng paghingi sa korte ng mga tutol dito ng TRO o Temporary Restraining Order para mapatigil ang proyekto.
Sinabi ni Roque na nais umano ng Pangulo na maging operational ang mga bagong Telco Firm sa unang bahagi ng susunod na taon na tiyak aniyang ikasisiya ng maraming Pilipino.
Pero sa kabila ng matapang na pahayag na ito ng Pangulo, malinaw na nakasaad sa batas na hindi maaaring paki-alaman ng sangay ng ehekutibo ang mga gawain ng hudikatura tulad ng korte.