Maituturing na pinaka-seryosong banta sa Pilipinas ang panghihimasok ng Tsina sa West Philippine Sea mula noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Iyan ang binigyang diin ni Vice President Leni Robredo kasunod ng napaulat na panlilimas umano ng Chinese Coast Guard sa mga huling isda ng mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough o Panatag Shoal.
Giit ng Pangalawang Pangulo, hindi lamang mga bahura ang nawala sa Pilipinas kung hindi ang mismong soberanya o karapatan ng bansa sa naturang teritoryo na pinagpasyahan na mismo ng International Arbitral Court.
Dagdag pa ni Robredo, hindi na lamang aniya iyon usapin ng pang-aagaw ng teritoryo kung hindi ang talamak na pang-aagaw sa karapatang mabuhay ng maayos at marangal mula sa mga yamang hindi naman mapakinabangan ng mga Pilipino.
—-