Pinangangambahan ni National Task Force against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa na makakapasok ang Delta Variant sa Pilipinas.
Ito’y dahil napasok na ng nakakahawang variant ng COVID-19 ang 90 mga bansa sa buong mundo.
Ayon kay Herbosa, mapalad pa rin ang Pilipinas dahil sa pagpapatupad ng mas mahigpit na border control; at quarantine protocols.
Ipinabatid ni Herbosa sa DWIZ na posibleng matulad ang Pilipinas sa bansang Indonesia kung magluluwag ng quarantine protocols ang bansa.
“Pwedeng mangyari talaga sa atin talaga yan, ah I think yan ang fear ng pagpasok ng Delta Variant ang ginagawa nga namin ngayon sa NTF nagpaplano kami kaya kailangan ba natin bumili ng PPE ng mga remdesevir mga ibang gamot kailangan ba natin ng mga yan so pipilitin natin mga yan kasi nga its not a matter of if its a matter of when.” Pahayag ni Herboza sa panayam ng DWIZ.