Ibinunyag ng isang consumer cooperative na ilang empleyado ng Bureau of Plant Industry (BPI), ang naniningil ng enrollment fee para makapasok sa bansa ang mga imported na gulay.
Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, lumabas na nagkakahalaga ng P500-K ang hinihinging bayad ng mga nasabing empleyado.
Ayon kay Maria Wilma Ocampo, representative ng Cambridge Consumers Cooperative, hindi tumugon nang maayos sa kanya ang Department of Agriculture (DA) upang mapapasok ang shipment.
Labag anya ito sa kondisyon dahil hindi naman frozen vegetable ang ipinapasok at nasa chiller lamang ang mga ito.
Sa ngayon, ibinasura na ang reklamong isinampa ng Cambridge sa Manila Prosecutors Office nang hindi naririnig ang kanilang panig.