Nakatakdang ideklara ng PAGASA sa susunod na linggo ang pormal na pagpasok sa bansa ng northeast monsoon o hanging amihan.
Dahil dito, sinabi ng PAGASA na mararanasan na ang malamig na panahon sa bansa.
Samantala, apat hanggang limang bagyo pa ang inaasahang papasok sa bansa hanggang sa katapusan ng taong ito.
Kabilang dito ang isa hanggang tatlong bagyo sa Nobyembre at Disyembre.