Binigyang-diin ni Department of Information and Communications Technology o DICT Usec. Eliseo Rio na hindi labag sa batas ang pagpasok ng iba’t-ibang operating telecommunications firm para maging kabahagi ng third telco ng Pilipinas na Dito Telecommunity.
Pahayag ni Rio, walang mali sa pakikipagsanib-pwersa ng mga kompaniya sa nasabing telecommunity lalo na’t kung para ito sa higit na pagpapalakas at pagpapaganda ng kanilang operasyon.
Matatandaan na ang Dito Telecom na dating Mislatel ay consortium ng Udenna Corporation, Chelsea Logistics at Chinese Telecommunication Company.
Giit ni Rio, na hindi pwedeng mabali ang pangako ng naturang third telco dahil tiyak na mapo-forfeit ang performance bond nito na umaabot sa P25.7 billion na halaga.
Target na masimulan ang operasyon ng Dito bago pumasok ang taong 2020 para sa ilang mga lugar sa bansa.