Plano ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng isang panuntunan kung paano mababantayan ang pagpasok ng imported na bigas sa bansa.
Dahil dito magsasagawa muna ng imbestigasyon ang ahensya kaugnay sa mga nagpapasok ng sobra-sobrang imported rice at para mapatawan ang mga ito ng kaukulang reklamo.
Ayon kay kay Agriculture Sec. William Dar, ito ang nakikita nilang hakbang para mapanatili ang presyo at suplay ng bigas sa bansa.
Kabilang din sa kanilang hakbang ang pagpapataw ng buwis sa mga imported products kasama na ang bigas alinsunod sa Anti-dumping Act of 1999.
Ani Dar, sa ganitong paraan ay inaasahan din nilang mabibigyan na ng proteksyon ang mga mamimili at mga maliliit na magsasaka.