Nababahala ang pamahalaang lokal ng Busuanga sa Palawan hinggil sa pagpasok ng mga informal settlers sa kanilang bayan at maging sa Coron.
Ayon kay Busuanga Mayor Elizabeth Cervantes, karamihan aniya sa mga informal settlers na ito na nagtatayo na ng bahay sa Palawan ay mula ng Mindoro.
Binigyang diin ni Cervantes na hindi problema sa Palawan ang kawalan ng tirahan kaya’t malinaw aniyang galing sa ibang mga probinsya ang mga nagsusulputang informal settlers.
Dahil dito kumikilos na ang pamahalaang lokal ng Busuanga ukol dito at hiniling na rin nila sa Department of Environment and Natural Resources o DENR na mabigyan ng dalawang ektaryang lupain na maaaring paglagyan sa mga informal settlers.
By Ralph Obina