Ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagpasok ng La Niña phenomenon ngayong taon kasabay ng pagtatapos ng El Niño.
Ayon kay Anthony Lucero ng PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section, kadalasang pinapantayan lamang ng La Niña ang El Niño depende sa lakas nito.
Kabaligtaran ng El Niño ang La Niña kung saan, mas maraming ulan ang inaasahan na kadalasang mataas sa normal gayundin ang mas marami at mas malalakas na bagyo.
Bagama’t inaasahang matatapos na ang El Niño ngayon o sa susunod na buwan, mararamdaman pa rin ani Lucero ang epekto nito ilang buwan pa mula ngayon.
By Jaymark Dagala