Nagbabala si dating US Vice President at Environment Advocate Al Gore na maaaring pasukan ng mas malalakas na bagyo ang Pilipinas dahil sa mas mainit na temperatura rito dulot ng climate change.
Sa forum na Climate Reality Project na ginawa sa Maynila, ipinaliwanag ni Gore na ang mga bagyo na galing sa mas maiinit na karagatan ay mas malalakas.
Higit sa 90 porsyento, aniya, ng init na nata-trap sa hangin dahil sa labis na carbon emission ang siyang nagpapainit sa mga karagatan.
Sinabi ni Gore na ang Pilipinas ang may pinakamaraming sakuna na may kinalaman sa panahon at nagtala ng higit sa 300 kalamidad mula 1994 hanggaang 2013.
Pinaalala rin ni Gore na ramdam na sa Pilipinas ang epekto ng pagsusunog ng fossil fuels.
By Avee Devierte