Ipinagbawal ng Philippine Ports Authority at Bureau of Animal Industry ang pagdala ng mga produktong baboy sa Mindoro.
Ito ay upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng African Swine Fever.
Ayon kay Philippine Ports Authority General Manager Atty. Jay Daniel Santiago, naglabas na sila ng direktiba sa mga terminal kaugnay sa ipinagbabawal na pagpasok sa Oriental Mindoro ng meat products dahil mayroong quarantine issue sa nabanggit na lugar.
Nakumpisa naman ng mga otoridad sa pantalan ang paputok at ham na nakita sa bagahe ng isang dayuhan.
Sa kabila nito, pinapayagan na magdala ng alagang hayop ngunit may kinakailangan dokumento para rito. –sa panulat ni Jenn Patrolla