Nanatili pa ring bawal ang pagpasok ng mga karne ng baboy na mula sa Luzon sa probinsya ng Cebu.
Ito ay sa kabila ng inilabas na kautusan ng Department of Interior and Local Government na tanggalin na ang ban sa lalawigan.
Ayon kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, nais niyang makatiyak na hindi makakapasok ang mga pork products na posibleng magkalat ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang lugar.
Ani Garcia, kaniyang iginagalang ang si Interior Sec. Eduardo Año ngunit kaniyang responsibilidad na protektahan ang kaniyang nasasakupan sa anumang banta.
Sakali kasi umanong tamaan ng ASF ang hog industry sa cebu, mahigit P10B ang maaring mawala rito.
Aabot sa 56 na probinsya sa Visayas at Mindanao ang nagpatupad ng ban sa pagpasok ng pork products mula sa Luzon dahil sa ASF.