Ibinabala ng Department of Health (DOH) at OCTA Research Group ang posibleng pagpasok sa bansa ng panibagong COVID-19 variant na Omicron.
Ayon kay Dr. Beverly Ho, Director for Health Promotion Bureau ng DOH, hindi naman maaaring isara habambuhay ang mga border ng Pilipinas kaya’t hindi maiiwasang pumasok sa bansa ang bagong variant.
Inihayag naman ni OCTA Research Fellow, Dr. Guido David na kahit anong higpit ng border control, makapapasok pa rin ang Omicron kagaya ng Delta variant.
Gayunman, nilinaw ni David na may tsansa pa rin namang hindi makapasok ang Omicron, kung magiging mabilis ang pag-aksyon, gaya ng agarang pagpapatupad ng travel bans at paiigtingin ang vaccination drive. —sa panulat ni Drew Nacino