Opisyal nang pumasok ang bansa sa panahon ng tag-init o summer season.
Ito’y ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay dahil sa ilang linggong nararanasang mainit at maalinsangang panahon.
Paliwanag pa ng Weather Bureau, tuluyan nang humina ang northeast monsoon o amihan sa halip, mas naging dominante na ang easterlies o ang maalinsangang hangin na nagmumula sa silangan.
Dahil dito, ibinabala ng PAGASA na asahan pa ang mas mainit na temperatura sa mga susunod na linggo.
Batay sa naging tala ng PAGASA dakong alas -2:30 kahapon ng hapon, pumalo sa 33.9 degrees celcius ang temperatura sa Metro Manila.
Dry spell
Mararanasan ang matinding init o dry spell sa iba’t ibang bahagi ng bansa pagsapit ng buwan ng Abril.
Ito ang ibinabala ngayon ng PAGASA upang magabayan ang publiko at masimulan na ang paghahanda.
Ayon sa ulat ng PAGASA, kabilang sa mga tatamaan ng dry spell ay ang Regions 1, 2, 3, 5 at Cordillera.
Inaasahang sa katapusan pa ng Hulyo babalik sa normal na kondisyon ang klima sa bansa.
By Jaymark Dagala | Ralph Obina