Binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang panibagong sama ng panahon o tropical depression.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PAGASA Weather Forecaster Manny Mendoza na huli itong namataan sa layong 2,140 kilometers sa silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot na 55 kilometro kada oras.
Bagama’t wala pa itong nararamdamang epekto sa bansa, inaasahang iiral sa iba’t-ibang ng panig ng ating bansa ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pagkidlat o pagkulog.
Ayon kay Mendoza, sakaling maging ganap na bagyo ay papangalanan itong “Helen.”
Posible umanong pumasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility ang naturang tropical depression sa Sabado ng gabi o sa Linggo ng umaga.
By Jelbert Perdez