Inihain ng Magsasaka Partylist (MPL) ang House Resolution 2282 para imbestigahan ang patuloy na ilegal na pagpupuslit ng mga gulay sa bansa.
Ito’y kasunod ng ulat ni BOC Intelligence Officer 1 Oliver Valiente na mula Agosto hanggang Nobyembre ngayong taon nakakumpiska ang ahensya ng aabot sa P160 million na halaga ng smuggled na gulay gaya ng carrots at sibuyas.
Ayon kay MPL Congressman Argel Joseph Cabatbat, hindi matigil ang pagpasok ng mga smuggled na gulay sa lokal na merkado kayat nais nila itong paimbistigahan
Giit ng mambabatas, dapat na paigtingin at mas higpitan pa ang kampanya laban rito dahil banta ito sa kalusugan ng makakakain dahil hindi ito dumadaan sa standard phytosanitary inspection.
Dagdag ni Cabatbat, lubhang apektado rin ng ilegal na gawaing ito ang mga Pilipinong magbubukid. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)