Doble-kayod na ang DTI para pangasiwaan ang pagpasok ng Space X o Space Exploration technologies corporation sa bansa para magbigay ng internet service.
Kasunod na rin ito nang pagmamalaki ng DTI na ang Pilipinas ang kauna-unahan sa southeast asia na mag-a-avail ng Starlink, ang low earth orbit satellite network constellation ng Space X.
Ang nasabing technology ay magbibigay ng high speed satellite broadband connectivity sa mga customer partikular sa mga malalayong lugar na hindi pa naaabot ng komunikasyon.
Sa kasalukuyan ay bumubuo na ang Starlink ng local Filipino entity na siyang magiging wholly-owned subsidiary at target nitong mag-deploy ng tatlong gateways sa first phase ng launching.
Tiwala si Lopez na ang Space X/Starlink sa bansa ay magiging susi sa mas mabilis na broadband speed, mas magandang connectivity at capacity para sa telecommunications services at mas murang rates para sa customers.