Mahigpit pa ring ipagbabawal ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang pagpasok ng tao sa Loakan airport sa Baguio City.
Ito’y kahit pa umapela ang pamahalaang lungsod sa CAAP para payagang gamitin ng mga residente roon ang runway ng nasabing paliparan.
Batay sa ipinalabas na Safety Instruction ng CAAP, hindi pa rin pinapayagan ang pagpasok ng tao sa nasabing runway may eroplano man o wala.
Ngunit ayon kay CAAP Director General William Hotchkiss, dapat manatiling walang tao sa runway para sa kaligtasan na rin ng mga residenteng nakapaligid sa lugar gayundin sa mga eroplano at pasaherong lalapag sa nasabing lugar.
By Jaymark Dagala | Raoul Esperas (Patrol 45)