Mariing kinondena ng Makabayan Bloc, ang panghihimasok ng U.S. Warship sa Pilipinas nang walang permiso o hindi otorisado.
Ayon kay assistant minority leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, walang pakundangan ang pagpasok sa karagatan ng Pilipinas ng US Carrier Strike Group One sa pangunguna ng USS Carl Vinzon sa pagitan ng Leyte at Mindanao nito lamang Disyembre a-26.
Malinaw aniya na paglabag sa sandatahang lakas ng militar; pagyurak sa kasarinlan; at soberanya ng bansa ang ginawa ng US warship.
Maituturing anya na banta sa seguridad ng Pilipinas ang nuclera-capable warship na iniskortan ng USS William Lawrence, USS Sterett at USS Princeton na mapanganib para sa Filipino communities.
Binigyang diin ng mambabatas, na hindi dapat hinahayaan ng pamahalaan ang estados unidos na gawing military outpost ang bansa.
Iginiit ni Cong. Brosas, na dapat paigtingin ang depensa sa soberanya ng bansa at hindi dapat gawing war playground ng Amerika o extension ng Pentagon ang Pilipinas.