Pinaiimbestigahan ni Senator Richard Gordon sa Bureau of Customs ang pagpasok sa bansa ng aabot sa 890 kilograms ng shabu noong Disyembre, 2016.
“Investigate the source of the 890 kilos. Find out who are the personalities behind that 890 kilos. Hahanapin natin lahat kung sino nagpapasok niyan.” Ani Gordon
Ito ang inihayag ni Gordon sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa P6.4 billion drug shipment sa Pilipinas na nakalusot sa kamay ng Customs.
Nasabat ang 890 kilograms ng shabu sa San Juan noong nakaraang taon na sinasabing nagkakahalaga ng aabot sa P6 billion pesos.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng NBI, dumaan sa Bureau of Customs ang nasabing shipment.
“A case like this, you go back until you find the source. Kahit na mapatay lahat ng pusher, kung hindi mo mapatay ‘yung source – meaning to say masara ‘yung gripo – papasok at papasok ‘yan. “Habang may tanong na ganon sa Customs, uulit ulitin ‘yan.” Pahayag ni Gordon
AR / DWIZ 882