Pinangangambahang humantong sa mas malala at mas madugong sitwasyon ang Pilipinas sa sandaling ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng rebolusyonaryong pamahalaan.
Ito ang babala ni Erlinda Pedroso, anak ng aktibistang si Coronacion “walingwaling” Chiva na isa sa mga biktima ng batas militar sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Pedroso, tiyak na ang mga mayayaman at mga makapangyarihan lamang ang makikinabang kapag ganap nang pumasok ang bansa sa nasabing porma ng gubyerno dahil mas masahol pa ito sa diktadurya.
Ginawa ni Pedroso ang pahayag nang tanggapin nito ang pagkilala sa kaniyang ina kahapon kung saan, isinama ang pangalan nito sa Wall of Remembrance sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City.