Pinapayagan na muli ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang pagpasok sa kanilang bansa sa pamamagitan ng sea, land o air travel simula ngayong linggo.
Ito ay matapos ng pagpapatupad ng dalawang linggong entry ban ng Saudi Arabia sa gitna na rin ng pangamba sa bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa kabila naman nito, sinabi ng Ministry of Inferior Official ng Saudi Arabia, mahigpit pa ring paiiralin ang ilang restriksyon sa kanilang bansa.
Kabilang na rito ang hindi pagpapahintulot sa mga indibiduwal na manggagaling sa mga bansang nakapagtala ng mga kaso ng bagong COVID-19 variant tulad ng UK at South Africa sa nakalipas na 14 na araw bago pumasok sa Saudi Arabia.