Hindi itinuturing na banta ni Daniel Padilla sa kanyang career ang pagpasok sa showbiz ng nakababatang kapatid nito na si JC.
Ayon kay Daniel, bagamat isa ring musician ang kanyang kapatid ay hindi aniya sila dapat pagkumparahin.
Binigyang diin ni Daniel na hindi sila dapat pagsabungin magkapatid.
Dagdag pa ng teen king, kung mag-artista man ang kanyang kapatid ay tiyak na kakampi niya ito at pabirong sinabi na handa silang sakupin ang Pilipinas.
Pero naniniwala si Daniel na mas gugustuhin ng kapatid nitong si JC na maging singer kaysa sa maging artista.
By Ralph Obina