Pinatutukan sa Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpasok umano ng mga smuggled at substandard na personal protective equipment (PPE).
Ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Gabin Jr., dapat ay mahigpit na binabantayan ng mga otoridad ang pagpasok ng mga mabababang kalidad ng PPE sa bansa na ibinebenta sa mataas na halaga.
Ani Gabin, maaaring malagay sa kapahamakan ang mga frontliners kapag nagamit nila ang naturang mga smuggled at substandard na PPE.
Kaya aniya, dapat ay mahigpit ang pagbabantay pati na rin sa mga checkpoints upang mapigilan ang pagpupuslit ng mga ito na posibleng isinasama sa shipment at delivery ng mga pagkain, gamot at iba pang suplay.