Naniniwala si National Security Adviser Hermogenes Esperon na handa ang mga Senador na suportahan ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao.
Ayon kay Esperon, naging nagkaintindihan sila ng mga Senador sa Apat na oras na security briefing hinggil sa sitwasyon sa Mindanao at pangangailangan na extension ng batas militar.
Gayunman, makabubuting hintayin na lamang muna anya nila ang joint session ng Kongreso sa Sabado na dadaluhan din nilang mga security official.
Ipinunto ni Esperon na nasa kamay ng Kongreso ang pagpapasya pagdating sa usapin ng martial law at pag-determina kung gaano katagal ang extension.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
Pagpasya pagdating sa usapin ng Martial law nasa kamay umano ng Kongreso was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882