Umalma ang Department of Finance sa panukalang patawan ng buwis ang pinakamayayamang indibidwal sa bansa.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, patuloy lang babagsak ang ekonomiya ng bansa dahil naitataboy nito ang mga investor na nais umiwas sa pagbabayad ng buwis.
Base sa House Bill No. 10253, layunin nitong makabuo ng mas maraming kita ang bansa sa gitna ng banta ng Covid-19.
Sa ilalim kasi ng naturang panukala, epektibo na sa January 1, 2022, ang mga may kayamanan na mataas sa P1 billion na papatawan ng 1% na buwis habang ang mga kumikita naman ng mataas sa P2 billion, ay papatawan naman ng 2% tax; at ang may mataas sa P3 billion na kayamanan ay papatawan naman ng 3% tax.
Sinabi pa ng kalihim na kinikilala niya ang layunin ng panukala upang mas mapahusay ang pagbubuwis ng bansa at agad na makalikom ng mas maraming kita na maaaring ilaan sa medical assistance at social programs, lalo na ngayong panahon ng pandemya. —sa panulat ni Angelica Doctolero