Haharangin ni Senador Ralph Recto ang pagpasa sa pagpataw ng mas mataas na excise tax sa mga produktong petrolyo sa sandaling i-akyat ito sa senado.
Ayon kay Recto, pabor sya sa ibang nilalaman ng Comprehensive Tax Reform Program o CTRP ng pamahalaan maliban sa excise tax sa mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Recto na tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang panukala kapag nakarating na ito sa senado at ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na nya ang mainit na debate rito.
Una rito, lumusot na sa ikatlong pagbasa ng House Ways and Means Committee ang CTRP kung saan nakapaloob ang pagtanggal at pagbawas sa buwis na binabayaran ng mga ordinaryong manggagawa, pagtaas ng excise tax sa produktong petrolyo at sa mga sasakyan at paglalagay ng limitasyon sa masasakop ng vat exemption.
By Len Aguirre |With Report from Cely Bueno