Nagkasundo na ang Estados Unidos at China sa bagong United Nations Security Council draft resolution na layong patawan ng mas mabigat na parusa ang North Korea.
Kaugnay ito sa isinagawang nuclear test ng NoKor noong Enero na isang paglabag UN Resolutions.
Nakatakdang isumite ni US Ambassador to the UN Samantha Power ang draft sanctions sa security council ngayong araw.
Umaasa naman si Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying na mapipigilan o kung hindi man ay mapapabagal ang pag-develop ng North Korea ng mga nuclear missile.
Pagbobotohan din sa security council sa mga susunod na araw ang resolusyon sa oras na mabasa at mapag-aralan na ito ng mga miyembro ng makapangyarihang konseho sa UN.
By Drew Nacino
Photo Credit: Saul Loeb/Agence France-Presse