Pinag-aaralan na ng Department of Finance (DOF) ang planong pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga nakalalasing na inumin.
Kasunod ito ng pagkakapasa sa senado ng Senate Bill No. 2233 o pagpapataw ng excise tax sa mga tobacco products o mga sigarilyo pagsapit ng 2020 hanggang 2023.
Ayon kay Finance secretary Sonny Dominguez, bahagi o isang aspeto lamang ng sin tax reform sa administrasyong Duterte ang dagdag na buwis sa tobacco product.
Kaugnay nito, pinag-aaralan na nila ang pagsusulong ng dagdag na buwis sa mga alak partikular ang hindi bababa sa P40 kada litro na tax sa mga alcoholic drinks.
Binigyang diin naman ni Dominguez ang kahalagahan ng sin tax reform dahil makatutulong ito sa pagpopondo ng Universal Health Care law.