Kinontra ng isang propesor ng University of the Philippines (UP) College of Mass Communications ang panukalang batas na magpapataw ng parusa sa mga nagpapakalat ng fake news.
Ayon kay Professor Danilo Arao, may panganib na mauwi sa pagsikil sa kalayaan ng pamamahayag ang pagpataw ng parusa.
Mas maganda pa rin anya ang self-regulation sa panig ng mga media outlets at networks upang matiyak na hindi sila pagmumulan ng fake news.
Sa ilalim ng panukalang batas ni Senador Joel Villanueva, pagmumultahin ng limang milyon o makukulong ang sinumang mapapatunayang nagpapakalat ng fake news.