Ginising na ng U.S. Department of Justice ang dalawang dekada nang natutulog na batas sa parusang kamatayan sa Amerika.
Ayon kay Atty. General William Barr, obligasyon ng Estados na ipatupad ang batas at mabigyan ng nararapat na hustisya ang mga biktima sa pamamagitan ng pagpapatupad sa sentensyang iginawad sa mga nakagawa ng krimen.
Huling ipinatupad ang death penalty sa Amerika noong 2003 subalit nahinto ito dahil sa napakahabang litigasyon ng kaso laban sa gamot na ginagamit sa lethal injection.
Limang death row federal inmates ang agad na ipinag-utos na isalang na sa parusang kamatayan.