Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture ang pagpapataw ng suggested retail price sa bigas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo nito.
Ayon kay Agriculture Spokesperson Arnel De mesa, makatutulong ang SRP upang matiyak na magiging abot-kaya ng mga mamimili ang presyo ng bigas.
Sa inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority, nakapagtala ng pinakamabilis na pagtaas ang rice inflation sa loob ng labing apat na taon noong buwan ng Disyembre nang nakaraang taon.
Batay sa datos ng PSA, ang average na presyo ng regular milled rice noong December 2023 ay nasa ₱48.50 ang kada kilo mula sa ₱46.73 noong November 2023, na mas mataas kumpara sa ₱39.63 kada kilo noong December 2022.