Isinusulong ngayon ng Senado na patawan ng taripa ang rice importation sa bansa.
Ayon kay Senadora Cynthia Villar, matutulungan ng hakbang na ito na maibsan ang korapsyon sa pag-angkat sa bigas gayundin ang tulong na maibibigay sa mga maliliit na magsasaka.
Batay sa panukala, may tatlongpo’t limang porsyento (35%) na taripa sa importation sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) country at apatnapo’t lima naman sa non-ASEAN country.
Plano din na sa oras na maipatupad ang nasabing panukala, ilaan ang makokolektang taripa sa mga programa para sa mga magsasaka upang makatulong din sa produksyon ng bigas.
Matatandaang noong nakaraang taon ay tiniyak ng National Food Authority o NFA na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.
Ayon kay NFA Administrator Jason Laureano Aquino, dumating na sa bansa ang inangkat na dagdag na pang-imbak na bigas mula abroad.
Aniya, kailangan lamang na punan ng mga imported rice ang buffer stock ng ahensya upang hindi kulangin sa oras na makaranas ng kalamidad ang bansa.