Naniniwala si Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP President at Lingayen – Dagupan Archbishop Socrates Villegas na may iba pang mga paraan para masugpo ang problema ng bansa sa iligal na droga.
Giit ng Arzobispo, sang-ayon siya na seryosong usapin ang iligal na droga subalit hindi aniya sagot dito ang pagpatay para masugpo ang problema.
Magdudulot lamang aniya ang mga pagpatay ng kultura ng paghihiganti na aniya’y nagwawalang bahala at hindi nagpapahalaga sa buhay ng tao.
Sa halip na kamatayan, payo ni Villegas sa pamahalaan na mas tutukan na lamang ang pagbibigay ng trabaho, pagpapalakas sa edukasyon at kagandahang asal ng mga Pilipino.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: CBCP News