Sarado na para sa Philippine National Police ang pagpatay kay dating Batangas Congressman Edgar Mendoza at dalawang kasamahan nito.
Ayon kay PNP Chief, General Archie Francisco, naisampa na ang kaso laban sa 6 na suspects kayat nasa kamay na anya ito ng prosecution at justice system.
Una rito, inihayag ng PNP-CIDG na ang main suspect sa kaso ay isang Sherwin Sanchez , kliyente ni Mendoza na ngayon ay nakakulong dahil sa kasong murder.
Wala umanong plano si Sanchez na bayaran si Mendoza kayat napahanap ito ng papatay sa abogado na dating kongresista.
Lumalabas na pinainom ng kape na may sleeping pills sina Mendoza at dalawang kasama nito at nang makatulog ay pinagsa saksak saka isinakay sa kotse nila at dinala sa Tiaong Quezon kung saan sinunog ang sasakyan.