Kinondena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpatay kay Father Mark Ventura sa ng Archdiocese ng Tuguegarao, Cagayan, noong Linggo.
Ayon kay C.B.C.P. President at Davao Archbishop Romulo Valles, ikinagulat nila ang narinig na balitang pinatay ang 37 anyos matapos magmisa sa bayan ng Gattaran.
Umaapela naman si Valles sa mga otoridad na agad umaksyon upang mabigyang katarungan ang biktima.
Nakilala si Father Mark sa adbokasiya nito laban sa mining at pagtulong sa katutubo.