Matapang na inamin ng suspek sa pagpatay kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe na target o plinano niyang patayin ang biktima dahil sa pagkamuhi niya sa isang organisasyon na hinihinalang konektado sa dating opisyal.
Matatandaang tinukoy ng pulisya si Tetsuya Yamagami, 41 taong gulang, na siya umanong nakitang may hawak na improvised na baril malapit sa crime scene.
Hanggang ngayon, hindi pa matiyak ng pulisya kung si Yamagami ang gumawa ng baril at kung anong grupo ang binanggit nito na sinasabing kinabibilangan ni Abe.
Binanggit din umano ni Yamagami na dati siyang nagtatrabaho sa Maritime Self-Defense Force-Japanese Navy ngunit patuloy pa rin itong iniimbestigahan ng mga awtoridad.